^

Metro

3 holdaper tiklo sa matiyagang biktima

-
Nagbunga ang pagtitiyaga ng isang biktima nang palihim nitong sundan ang tatlong holdaper na nambiktima sa kanya sanhi ng pagkaaresto ng mga ito, kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Maynila.

Nakadetine ngayon sa WPD PCP-5 detention cell ang mga suspect na sina Dario Debuque, 22, binata, ng #1222 Rizal Ave., Sta. Cruz; Crisanto dela Cruz, 18; at kapatid nitong si Christian, 16, kapwa residente ng #1110 Fugoso Mayhaligue St., Sta. Cruz, Manila.

Nakilala naman ang kanilang mga biktima na sina Jacinto Obre, 37, broker ng #1912 Tuazon St., Sampaloc, at Rex Villarosa, 25, ng #236 F. Muñoz St., Singalong, Manila.

Sa ulat ni PO3 Renato Garay, imbestigador, naganap ang panghoholdap dakong ala-1:30 ng hapon sa may Lagusnilad malapit sa Taft Avenue, Ermita, Manila.

Sinabi ng biktimang si Obre na sinaksak umano siya ng isa sa mga suspect sa kanyang braso habang pinagsusuntok naman sa mukha si Villarosa kung saan natangay ng mga ito ang kanilang Nokia 5210, Nokia 3310 at isang Ray ban na sunglass.

Sa kabila ng pagiging armado ng mga suspect, hindi naman nawalan ng loob si Obre kung saan sinundan niya ang mga tumatakas na suspect.

Nang makarating malapit sa Lawton Police Community Precinct, dito lamang nagsisigaw ng holdap si Obre na nirespondehan naman ng mga pulis at nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspect.

Ayon kay PO3 Garay, posible rin na ang mga suspect ang nambiktima sa dalawang lady reporter ng PSN noong Mayo 9 sa may Luneta. Nakatakda namang kilalanin ito ng mga biktima upang makumpirma na ang mga suspect ang nangholdap sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)

CRUZ

DANILO GARCIA

DARIO DEBUQUE

FUGOSO MAYHALIGUE ST.

JACINTO OBRE

LAWTON POLICE COMMUNITY PRECINCT

NOKIA

OBRE

RENATO GARAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with