Parak sugatan sa pamamaril ng hepe
May 16, 2003 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang isang miyembro ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) ng NPD matapos itong tamaan ng bala ng baril mula sa kanyang hepe matapos na barilin ng huli ang isa nilang kasamahan sa loob ng kanilang tanggapan, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa kanang pigi si PO1 Roger Giwagiw.
Nasa floating status naman ang hepe ng DIID na si Inspector Ferdinand del Rosario at PO1 Jose Santos matapos na mag-away ang mga ito na nagresulta sa pagkasugat ni Giwagiw.
Sa nakalap na impormasyon, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente sa tanggapan ng mga ito na matatagpuan sa Langaray St., Kaunlaran Village, Caloocan City.
Base sa inisyal na imbestigasyon, una umanong inutusan ni Inspector del Rosario si PO1 Santos upang magsagawa ng surveillance laban sa isang tao, ngunit tumanggi naman ang huli at idinahilan na wala siyang gasolina.
Nainis umano ang hepe sa inasal ng tauhan hanggang sa magkaroon ng pagtatalo at nagsigawan na humantong sa pagbunot at pagbaril ng una.
Minalas naman si Giwagiw na siya ang tinamaan ng bala na pinakawalan ng hepe na ang target ay si Santos.
Matatandaan na noong huling linggo ng Marso ay nagkaroon din ng barilan sa loob ng nasabing opisina na nooy tanggapan pa ng District Drug Enforcement Group na ikinamatay ni PO3 Eduardo Gaddi at ikinasugat naman nina Supt. Reynaldo Orante at SPO4 Jorge Tabayag. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended