Raymart Santiago nanapak ng driver
May 16, 2003 | 12:00am
Nahaharap sa kasong physical injury ang aktor na si Raymart Santiago makaraang sapakin nito ang isang company driver na nakabangga ng kanyang sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Pormal na dumulog sa Central Police District- Anonas Station ang biktimang si Frederick Lorenzana, 29, ng #7 Buenamar St., Buenamar Subd., Novaliches, Quezon City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi ng maganap ang panununtok sa biktima ng aktor nang makasabay niya ang huli sa tapat ng Miriam College sa Katipunan Avenue ng nabanggit na lungsod.
Aksidenteng nabangga ni Lorenzana ang Ford Expedition ng aktor kung kayat agad siyang bumaba ng delivery van at kinausap ang driver ni Santiago kasabay ng paghingi ng dispensa.
Habang kinakausap ng biktima ang driver ng aktor ay bigla umanong lumabas ng sasakyan ang huli at saka pinagmumura at sinuntok ang una.
Bukod dito, kinuha pa ng aktor ang lisensiya ni Lorenzana at saka mabilis na umalis. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended