Si dating Gov. Eduardo Rodriguez ay kasalukuyang nakapiit sa NBI detention cell makaraang arestuhin habang papalabas sa kanyang tinutuluyang condominium unit sa Makati City noong Biyernes.
Nabatid na nakasuhan na si Rodriguez ng insurance fraud dahil sa pamemeke ng mga dokumento nang ideklara nitong patay na ang kanyang biyenan sa US.
Bagamat nakalalaya sa bisa ng piyansa, muling nagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema na ipinawawalang bisa na ang inilagak nitong piyansa at sa halip ay inutos ang muling pagdakip sa dating gobernador.
Hiniling naman ng US Justice Department sa SC na simulan na ang extradition proceeding laban kay Rodriguez upang maipadala na ito sa Amerika. (Ulat ni Danilo Garcia)