^

Metro

Ex-governor ng Quezon arestado sa US insurance fraud

-
Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating gobernador ng lalawigan ng Quezon dahil sa pamemeke ng mga dokumento sa Estado Unidos para makakuha ng malaking halaga ng insurance benefits.

Si dating Gov. Eduardo Rodriguez ay kasalukuyang nakapiit sa NBI detention cell makaraang arestuhin habang papalabas sa kanyang tinutuluyang condominium unit sa Makati City noong Biyernes.

Nabatid na nakasuhan na si Rodriguez ng insurance fraud dahil sa pamemeke ng mga dokumento nang ideklara nitong patay na ang kanyang biyenan sa US.

Bagama’t nakalalaya sa bisa ng piyansa, muling nagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema na ipinawawalang bisa na ang inilagak nitong piyansa at sa halip ay inutos ang muling pagdakip sa dating gobernador.

Hiniling naman ng US Justice Department sa SC na simulan na ang extradition proceeding laban kay Rodriguez upang maipadala na ito sa Amerika. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AMERIKA

BAGAMA

BIYERNES

DANILO GARCIA

EDUARDO RODRIGUEZ

ESTADO UNIDOS

JUSTICE DEPARTMENT

KORTE SUPREMA

MAKATI CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with