2 pulis niratrat ng mga sinitang kalalakihan
May 10, 2003 | 12:00am
Dalawang pulis na kapwa nakatalaga sa Traffic Management Group (TMG) ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga hinihinalang grupo ng mga karnaper nang sitahin nila ang mga ito, kahapon ng hapon sa Makati City.
Ginagamot sa Makati Medical Center (MMC) ang isa sa biktima na nakilalang sina PO3 Edgardo Porcionculla, 38, nagtamo ng tama sa pige at tuhod at PO1 Allan Eneria, nagtamo naman ng tama sa katawan at ginagamot sa Polymedic Hospital.
Samantala, agad namang tumakas sa ibat-ibang direksyon ang hindi pa nakikilalang mga suspect na pinaniniwalaang grupo ng mga karnaper at inabandona nila ang sinasakyan nilang Mitsubishi Adventure na may plakang WRU-502 sa kahabaan ng Harvard St., Barangay Pinagkaisahan sa Makati City.
Batay sa pagsisiyasat ng Makati City police, naganap ang insidente dakong ala-1:45 kahapon ng hapon sa kahabaan ng EDSA-Gil Puyat Avenue.
Nabatid na namataan ng mga biktima kasama ang dalawa pang pulis ang naturang sasakyan lulan ang mga lalaking may kahinahinalang kilos.
Tinangkang pahintuin ng mga biktima ang nasabing sasakyan para inspeksiyunin subalit sinalubong sila ng putok ng baril ng mga suspect at agad na tinamaan ang dalawang pulis. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended