Ito ang suhestiyon kahapon ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa ginanap na forum sa Citio Fernandina sa San Juan.
Ayon kay Fernando, sa halip umanong gawin ang dating paraan ng pagbati tulad nga nang paghalik o pakikipagkamay, mas makabubuting mag-bow na lamang.
"Isa sa mga SARS prevention na nakikita ko, iwas na muna tayo sa beso-beso, mag-bow na lang," ani Fernando.
Idinagdag pa nito na hindi umano masisiguro kung sinu-sino sa mga taong nakakasalamuha natin ang nagtataglay ng virus ng killer pneumonia kayat makabubuting isagawa ang lahat ng pag-iingat. (Ulat ni Joy Cantos)