^

Metro

Iwas sa SARS: Imbes na kiss, shakehands bow na lang - BF

-
Upang makaiwas na mahawa sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) ay mas makabubuting umiwas na lang sa beso-beso o paghalik o pakikipagkamay bilang pagbati sa isang kakilala o kaibigan, kundi mas makabubuting mag-bow o yumuko na lamang tulad ng pagbating ginagawa ng mga Hapones.

Ito ang suhestiyon kahapon ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa ginanap na forum sa Citio Fernandina sa San Juan.

Ayon kay Fernando, sa halip umanong gawin ang dating paraan ng pagbati tulad nga nang paghalik o pakikipagkamay, mas makabubuting mag-bow na lamang.

"Isa sa mga SARS prevention na nakikita ko, iwas na muna tayo sa beso-beso, mag-bow na lang," ani Fernando.

Idinagdag pa nito na hindi umano masisiguro kung sinu-sino sa mga taong nakakasalamuha natin ang nagtataglay ng virus ng killer pneumonia kaya’t makabubuting isagawa ang lahat ng pag-iingat. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CITIO FERNANDINA

FERNANDO

HAPONES

IDINAGDAG

ISA

JOY CANTOS

SAN JUAN

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with