Retiradong pulis timbog sa panghahalay ng paslit
May 8, 2003 | 12:00am
Posibleng mabitay ang isang retiradong pulis makaraan umanong halayin nito ang isang 4-anyos na paslit sa loob ng isang nakaparadang jeep, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Pormal na dumulog sa himpilan ng CPD Station 3 ang ina ng biktimang itinago sa pangalang Alice, upang magsampa ng reklamo laban sa suspect na si Gregorio Galeng, 67, retired policeman, ng #4 Esmeralda St., Project 6, Quezon City.
Batay sa inisyal na ulat ni SPO1 Miguel Acosta ng Sangandaan Police Station dakong alas-7 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng isang nakaparadang jeep sa tapat ng QC General Hospital sa may Bahay Toro sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay Beth, 6, nakatatandang kapatid ni Alice niyaya umano sila ni Galeng sa loob ng jeep at nangakong bibigyan sila ng kendi.
Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay sinimulang ipasok ng suspect ang daliri nito sa panty ni Alice na dito umiyak ng tuluyan ang paslit.
Nagtatakbo naman si Beth at humingi ng tulong sa kanyang ina.
Nadatnan pa ng ina ng biktima at ng mga barangay tanod ang pulis na hinahalay ang bata kaya mabilis itong dinakip. Inihahanda na ang kaso laban sa retiradong pulis. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended