Korean national kinidnap sa Navotas
May 8, 2003 | 12:00am
Isang 35-anyos na Korean national ang iniulat na dinukot ng pinaniniwalaang miyembro ng kidnap-for-ransom syndicate sa Navotas.
Ito ang nabatid kay Supt. Valdemor Beltran, hepe ng Navotas police kasabay nang pagsasabing huwag munang banggitin ang pangalan ng biktima.
Ayon kay Beltran, kahapon lang ng umaga napag-alaman ng pamilya ng biktima ang pagkawala nito kung saan ay pinaniniwalaang dinukot ito ng mga suspect sa kanyang tahanan sa Barangay Sipak ng naturang bayan.
Dagdag pa ni Beltran na hiniling umano ng mga kaanak ng biktima na huwag munang banggitin ang pangalan at ilan pang personal datas ng biktima para na rin sa seguridad nito.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang tinatanggap na anumang tawag buhat sa mga suspect ang pamilya ng biktima.
Pinaniniwalaang dakong alas-10:30 hanggang alas-11 kamakalawa ng gabi dinukot ang biktima na mayroong alyas na "Kim". (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended