^

Metro

Tauhan ng VRB tiklo sa kotong

-
Isang miyembro ng Videogram Regulatory Board (VRB) ang nadakip ng pulisya matapos umano nitong kotongan ang isang vendor ng halagang 5 libong piso kapalit ng hindi pagkumpiska sa binebenta nitong pirated CD at VCD sa isang entrapment operation na isinagawa kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Nakilala ang nadakip na suspect na si Rey Torres, 40, ng Casimiro Village, Brgy. Pamplona III sa lungsod na ito.

Samantalang ang nagharap naman ng reklamo ay si Moriel Antuz, 33, ng nabanggit ding barangay.

Ayon sa sumbong ng biktima kinokotongan umano siya ng suspect ng P5,000 kasabay nang pangakong hindi siya re-raidin sa mga tinitinda nitong pekeng CD at VCD.

Bagamat pumayag ang complainant sa alok ni Torres, nagpasya pa rin itong magharap ng sumbong sa pulisya.

Dinakip si Torres sa aktong tinatanggap ang P2,000 marked money buhat sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BAGAMAT

BRGY

CASIMIRO VILLAGE

DINAKIP

LAS PI

LORDETH BONILLA

MORIEL ANTUZ

REY TORRES

VIDEOGRAM REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with