Epileptic nang-hostage ng pamangkin
May 6, 2003 | 12:00am
Hinostage ng isang 23-anyos na lalaki ang kanyang sariling pamangkin makaraang magtampo sa kanyang pamilya na umanoy nagbalewala sa kanyang kaarawan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang suspect na si Christeo Ronquillo, binata, sinasabing isang epileptic ng Dear St., Brgy. Commonwealth, Quezon City makaraang magtamo ng tama ng bala ng baril sa hita.
Ligtas namang nabawi ang hinostage na pamangkin na si Prince Jewell Baranda, 10.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, umuwi dakong alas-10 ng gabi ang suspect sa pag-aakalang may bola itong madadatnan bilang regalo ng kanyang pamilya sa kanyang kaarawan.
Nang malaman na wala ang inaasahan niyang regalo buhat sa pamilya ay sumama ang loob nito, hanggang sa biglang hablutin ang kanyang pamangkin na nooy naglalaro at saka hinostage gamit ang isang kutsilyo.
Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng SWAT at nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang hinostage na paslit.
Napilitan ang mga awtoridad na paputukan sa hita ang suspect dahil sa sinisimulan na nitong saktan ang bihag.
Inamin naman ng ina ng suspect na madalas umanong nagagalit ang kanyang anak lalo nat hindi napapagbigyan ang kahilingan nito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest