Lider ng 'virgins for sale' nasakote
May 4, 2003 | 12:00am
Nadakip na ng pulisya ang pinaniniwalaang lider ng isang sindikato ng child trafficking matapos na gawing sex slave at ibenta ng halagang P700 ang anim na kabataang babae sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng gabi sa Luneta Park sa Ermita, Maynila.
Nahaharap sa kasong rape, child abuse at child trafficking ang nadakip na suspect na si Galo Chu-Hee, 36, nakatira sa #145 Sto. Niño St., Pasay City.
Si Chu-Hee ang itinuturong responsable sa pagbebenta sa mga kabataang babae na nagkaka-edad ng 12-18 mula sa Antipolo City sa halagang P700 matapos na masagip ng mga kagawad ng Parañaque City Police noong Huwebes ng gabi sa Reclamation Area, Public Estate Authority (PEA) sa Tambo, nasabing lungsod.
Ni-recruit umano ang mga biktima na pawang mga estudyante ng isang bugaw na nakilala lamang sa pangalang Rosalie alyas Tale, ng Cogeo, Antipolo.
Bago umano tuluyang ibenta ang mga biktima sa mga lalaking mahilig sa laman ay ginagahasa pa umano ni Chu-Hee ang mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended