Niliwanag ni Fernando na ang kamay ang isang bahagi ng katawan ng tao na parating ginagamit sa pakikipag-ugnayan kaya madalas na kinakapitan ng mikrobiyo dulot ng ibat ibang sakit.
"Dapat mayroong safe distance ka sa tao, mga 30 metro ang layo para hindi mahawa," ani Fernando.
Nakatakdang ipresenta ng MMDA Chairman ang nasabing ideya sa Metro Manila Mayors Council sa kanilang darating na pagpupulong.
Nais ni Fernando na gawing isang ordinansa ng mga Metro Mayors ang naturang panukala upang higit na makaiwas ang mga mamamayan sa SARS at iba pang uri ng sakit. (Ulat ni Lordeth Bonilla)