^

Metro

Shake hands bawal muna - MMDA

-
Upang makaiwas sa nakamamatay at wala pang lunas na sakit na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), iminungkahi kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando sa publiko na ipagbawal muna ang pakikipag-kamay sa kahit sinong tao.

Niliwanag ni Fernando na ang kamay ang isang bahagi ng katawan ng tao na parating ginagamit sa pakikipag-ugnayan kaya madalas na kinakapitan ng mikrobiyo dulot ng iba’t ibang sakit.

"Dapat mayroong safe distance ka sa tao, mga 30 metro ang layo para hindi mahawa," ani Fernando.

Nakatakdang ipresenta ng MMDA Chairman ang nasabing ideya sa Metro Manila Mayors Council sa kanilang darating na pagpupulong.

Nais ni Fernando na gawing isang ordinansa ng mga Metro Mayors ang naturang panukala upang higit na makaiwas ang mga mamamayan sa SARS at iba pang uri ng sakit. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DAPAT

FERNANDO

LORDETH BONILLA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA MAYORS COUNCIL

METRO MAYORS

NAKATAKDANG

NILIWANAG

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with