^

Metro

12 vintage bomb nasamsam

-
Labing-dalawang vintage bomb ang kinumpiska ng Explosives and Ordnance (EOD) Division ng Valenzuela City Police mula sa isang junk shop kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang magtungo ang mga kagawad ng EOD sa Megawell junkshop na matatagpuan sa Sitio Balubaran, Malinta Valenzuela upang kunin ang nasabing mga bomba.

Mismong ang may-ari ng junkshop ang siyang nagsumbong sa mga opisyal sa barangay tungkol sa pagkakabenta sa kanila ng mga nasabing bomba.

Ayon kay Felipe Cortez, barangay tanod sa lugar na matapos itong ipabatid ng may-ari ng junkshop ay agad naman nila itong itinawag sa mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, ang mga bomba ay nasa pangangalaga na ng EOD at nakatakdang i-diffuse upang hindi na makapinsala. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

EXPLOSIVES AND ORDNANCE

FELIPE CORTEZ

LABING

MALINTA VALENZUELA

MEGAWELL

ROSE TAMAYO

SITIO BALUBARAN

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with