Anak ng konsehal ginilitan
May 2, 2003 | 12:00am
Pinaniniwalaang onsehan umano sa droga ang dahilan ng pagkamatay ng anak ng isang konsehal sa lungsod ng Makati matapos laslasin ang leeg nito ng hindi pa nakikilalang salarin ng isang patalim kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay nang isugod sa Ospital ng Makati ang biktima na nakilalang si Vincent Pimentel, binata, 36-anyos, nakatira sa Blk. 91, Lot 15, Roma Amor St., Brgy. Rizal ng nabanggit na lungsod. Ito ay anak ni District II, Makati City Councilor Astulfo Pimentel.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos isagawa ang pamamaslang.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Ricky Tan ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:17 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Mocking Bird St., Brgy. Rizal.
Nabatid na naglalakad umano ang biktima sa nasabing lugar nang bigla itong tawagin ng suspect.
Nabatid na nilapitan ang suspect dahil kakilala umano ito ng biktima. Inakbayan pa umano ng suspect ang biktima sabay bunot ng patalim at nilaslas ang leeg ni Pimentel.
Isang hindi kilalang bystander ang nakakita sa duguang biktima at kaagad itong dinala sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.
May hinala ang pulisya na onsehan umano sa droga ang isa sa motibo kung bakit pinatay si Pimentel dahil nasasangkot ito sa naturang ilegal na gawain. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended