Ayon sa mga negosyanteng sumama sa rali, na walang katotohanan ang kumalat na ulat na nagtataglay ng sakit na SARS ang isang anak ng may-ari ng Eng Bee Ten store na siyang nagkalat ng sakit sa tinaguriang Chinatown.
Una nang napabalita na galing sa Guandong, China ang anak na babae ng may-ari ng nasabing tindahan kung kayat marami ang natakot partikular na ang mamimili ng mga produkto sa lugar.
Bunga ng balitang ito, humina na umano ang takbo ng kanilang negosyo dahil wala ng mamimili na nagtutungo sa lugar.
Umalma ang mga negosyante na nagsagawa ng pagpaparada sa naturang barangay at nagsabing walang SARS sa kanilang lugar.
Hinamon din ng Chinese community ang nagsimulang magkalat ng ulat na pangalanan ang sinasabing Intsik na nagdala ng nakamamatay na sakit sa Chinatown. (Ulat ni Grace dela Cruz)