Base sa dalawang-pahinang administrative order (AO) 72 na pinirmahan ni Executive Secretary Alberto Romulo, sinuspinde ng 90 days o tatlong buwan si Macala dahil sa ibat ibang kasong administratibo na isinampa ng mga empleyado ng BuCor.
Sinuspinde si Macala habang isinusulong ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ang kanilang imbestigasyon laban sa una.
Samantala, itinalaga naman ni Justice Secretary Simeon Datumanong sa pamamagitan ng Department Order 141 si Justice Undersecretary Ramon Liwag bilang officer-in-charge (OIC) ng BuCor habang suspendido si Macala.
Matatandaan na naging kontrobersyal kamakailan si Macala dahil sa naganap na pamamaril umano ni dating Zamboanga Congressman Romeo Jalosjos sa isang inmate sa loob ng NBP noong nakaraang Sabado de Gloria.
Ayon naman kay Macala, maghahain pa rin siya ng motion for reconsideration to lift suspension. (Ulat ni Grace Amargo)