^

Metro

Mananamantalang drug store sa Makati, ipasasara

-
Ipasasara umano ng pamahalaang lungsod ng Makati ang mga drug store na magsasamantala sa sitwasyon kaugnay sa pagkalat ng nakakamatay na sakit na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at magbebenta ng mahal sa mga produktong tulad ng surgical mask, vitamins at mga disinfectants.

Ito’y matapos atasan ni Mayor Jejomar Binay ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng mahigpit na pagbabantay.

Kahapon, sinimulan nang palabasin ni Binay ang lahat ng kanyang field inspector sa business permit at license offices (BPLO) para i-i-monitor ang presyo ng mga nasabing produkto.

Ang kautusang ito ng pamahalaan ng Makati ay bunsod ng reklamong natanggap nito kaugnay sa pagtaas ng presyo ng N95 surgical mask, vitamins at iba pang protective material matapos na madiskubre na nakapasok na sa bansa ang nakamamatay na SARS.

Nabatid din na ang dating halaga ng N95 surgical mask na P47 ay ibinebenta na ngayon sa halagang P400.

Dahil dito, binalaan ni Binay ang lahat ng mga drug store sa kanyang mga nasasakupan na huwag magsamantala sa sitwasyon dahil sa hindi siya mangingiming suspendihin ang mga lisensiya ng mga ito.

Nanawagan din si Binay sa publiko na ireklamo ang mga drug store na mananamantala sa sitwasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BINAY

DAHIL

IPASASARA

KAHAPON

LORDETH BONILLA

MAKATI

MAYOR JEJOMAR BINAY

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with