Pulis nanampal, sinaksak patay
April 29, 2003 | 12:00am
Nasawi ang isang pulis na sinaksak at napatay ng kainuman nitong karpintero matapos sampalin ng una ang pinsan ng huli sa isang kasayahan sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Patay na nang idating sa Delos Santos Hospital ang biktima na si PO1 Ramon Jose Velasco III, 32, ng Cristobal St., Sampaloc Manila na ayon sa ulat ay nasa-floating status dahil sa kasong kriminal at administratibo na nakasampa laban dito.
Agad namang nadakip ng pulisya ang suspect na karpintero na si Edgar Morales, 33, ng Apitong St., Barangay Capri, Novaliches, Quezon City na ngayon ay nakapiit sa CPD- Criminal Investigation Unit detention cell.
Ayon kay PO2 Ernesto Fabre Jr., may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-11 kamakalawa ng gabi sa 625 Araneta Ave., kanto ng E. Rodriguez sa Brgy. Tatalon.
Nabatid na kapwa imbitado sa isang handaan ang nasawing pulis at ang suspect.
Sa gitna umano ng inuman ay biglang nairita at sinampal ng pulis na si Velasco ang isang kainuman na si Dumlar Rancao dahil sa kadaldalan nito.
Si Rancao ay napag-alamang pinsan ng suspect na si Morales.
Ipinagtanggol ni Morales ang kanyang pinsan na mabilis na kumuha ng patalim at sinaksak ang nanampal na pulis.
Ilang sandali pa ay bumulagta na ang pulis sa lapag sanhi ng malalim na saksak na tinamo nito. Agad din namang nadakip ang suspect matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended