Halos himatayin sa labis na takot sa pagtulo ng kanyang dugo ang biktima na nakilalang si Marina Sagum ng 293 Interior 5 General Luna St. ng nasabi ding lungsod.
Mabilis din namang nasakote ang suspect na nakilalang si Efren Garcia, 29, ng #42 Felix Huertas St. Valenzuela City matapos na marinig ng taumbayan ang paghingi ng saklolo ng biktima.
Batay sa imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-11:20 ng umaga habang lulan ng isang pampasaherong jeep ang biktima at ang suspect.
Nagdeklara ng holdap ang suspect at isa-isang kinuha ang mga gamit ng pasahero.
Subalit pagdating sa biktima, tumanggi itong ibigay ang kanyang bag at hikaw na ikinagalit ng suspect hanggang sa humantong sa paghablot ng huli ng hikaw ng una kung saan natanggal ang kaliwang tainga nito.
Bagamat dinala sa ospital ang biktima, nabatid sa mga manggagamot na hindi na muli pang maibabalik ang natanggal na tainga ng biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)