^

Metro

Pinigil na PAL flight PR-416 pinayagan nang makaalis

-
Pinayagan nang makaalis kahapon ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang eroplano ng Philippine Airlines flight PR-416 papuntang Pusan, Korea matapos itong bumalik kamakalawa ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil may isa umanong Korean national ang nakasakay dito na probable SARS victim.

Bukod dito, ang 147 pasahero at crew members ng nasabing flight ay binigyan ng clearance na makaalis matapos sumailalim sa eksaminasyon ng mga doktor sa airport.

Napag-alaman na ang isa sa mga pasahero na si Seo Beunkoo, isang Korean national ay may mataas na lagnat kaya ito ang naging dahilan para pabalikin ng Manila Control Tower ang eroplano kamakalawa ng gabi.

Gayunman, sinabi ni Ferdie Sampol, head supervisor ng BI sa airport na si Seo na isang scuba diver ay dumating sa bansa noong Abril 20 ay nagkaroon ng malaking sugat sa paa matapos itong maligo sa isang beach sa labas ng Metro Manila na maaaring naimpeksyon kaya tumaas ang taglay nitong lagnat at hindi dahil sa SARS. (Ulat ni Butch Quejada)

ABRIL

BUKOD

BUTCH QUEJADA

FERDIE SAMPOL

MANILA CONTROL TOWER

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

METRO MANILA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIRLINES

SEO BEUNKOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with