^

Metro

'Ukay-ukay' bawal na sa Pateros

-
Dahil sa pangamba na maaaring pagmulan o makahawa ang kinatatakutang SARS ipinagbabawal na sa bayan ng Pateros ang pagtitinda ng mga luma o segunda manong mga damit na lalong kilala sa tawag na ‘Ukay-ukay’.

Kaalinsabay nito hiniling ni Pateros Mayor Rosendo Capco sa Department of Health na magpadala ng isang team upang magsagawa ng imbestigasyon sa mga tindahan na nagbebenta ng mga surplus o lumang damit.

Binigyan diin ni Capco na mahalaga na masuri ang mga nasabing damit partikular na iyong mga ‘Ukay-ukay’ dahil karamihan sa mga ito ay galing sa Hong Kong na isa sa may pinakamataas na naitala ng kasong SARS.

Bukod dito, sinabi ni Capco na napapanahon na masuri na rin ang mga naturang mga damit dahil maaaring pagmulan din ito ng ibat-ibang uri ng sakit.

Dahil dito, binigyan ni Capco ang mga may-ari ng mga tindahan ng ‘Ukay-ukay’ ng 48 oras upang magsumite sa Mayor-Business Permit & Licensing Office ng mga clearance mula sa DOH at sa Bureau of Customs upang matukoy kung saan galing ang mga damit na ibinebenta ng mga ito. Sakaling mabigo ang mga ito ay babawiin ang kanilang permit at tuluyang ipapasara ang kanilang mga establisimento. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BUREAU OF CUSTOMS

CAPCO

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

HONG KONG

LICENSING OFFICE

LORDETH BONILLA

MAYOR-BUSINESS PERMIT

UKAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with