^

Metro

P16M halaga ng shabu nasamsam sa QC

-
Umaabot sa P16 milyong halaga ng shabu ang narekober ng mga awtoridad sa isang inabandonang kotse kahapon ng madaling araw sa panulukan ng Regalado at Mindanao Avenue sa Quezon City.

Ayon kay CPD director Chief Supt. Napoleon Castro na nakita ng mga nagpapatrulyang mobile car ang isang puting Honda Civic na may plakang WHJ-515 na nakaparada sa nabanggit na lugar.

Papalapit na sa kotse ang mga operatiba nang biglang lumabas ng sasakyan at nagtatakbo ang mga suspect na kinabibilangan ng isang Chinese looking na babae at isang lalaki. Dahil sa pagmamadali naiwan ng mga suspect ang susi ng sasakyan sa loob ng kotse.

Nang inspeksiyunin ng mga awtoridad ang sasakyan nakita nila ang isang bag na doon nakalagay ang may walong supot ng shabu na tumitimbang ng 2 kilo ang bawat isa.

Ayon naman kay Quezon City Mayor Feliciano Belmonte, na ang kotse ay nakapangalan sa isang Erlinda Santos ng Grace Park, Caloocan. Inaalam pa ng pulisya kung ito ay isang carnap vehicle o sadyang ginagamit talaga sa ilegal na operasyon ng droga. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

ERLINDA SANTOS

GRACE PARK

HONDA CIVIC

ISANG

MINDANAO AVENUE

NAPOLEON CASTRO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with