Tricycle driver kinatay ng taong-grasa
April 24, 2003 | 12:00am
Isang tricycle driver ang nasawi makaraang tadtarin ng saksak ng isang taong-grasa na pinagsabihan niya na amoy luga, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Patay na nang idating sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan karamihan ay sa dibdib ang biktimang si Cenen Climaco, 46, ng Kasarinlan Village, Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod.
Pinaghahanap naman ang suspect na si Rogelio Rondina, isang palaboy.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga ng maganap ang insidente sa parking lot na matatagpuan sa Kawal St., Block 17, Dagat-Dagatan, Caloocan.
Bago ang insidente, naghihintay ng pasahero si Climaco sa nasabing lugar nang lapitan ni Rondina at nagpapahatid sa kanyang pupuntahan.
Hindi pinasakay ng biktima ang suspect dahil sa masangsang na amoy nito, bukod pa sa sobrang dungis ay sinabihan pa ito ng biktima na amoy luga.
Nagalit umano si Rondina kung saan binunot nito ang dalang patalim at tinadtad ng saksak ang huli bago mabilis na tumakas. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended