Tinakot sa SARS: 3 parak pinagduduraan ng nurse
April 24, 2003 | 12:00am
Isang nurse ang ikinulong ng mga awtoridad makaraang pagduduraan ang tatlong pulis kabilang ang kanilang commander at tinakot pa ang mga ito na may sakit siyang SARS, kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng himpilan ng Police Community Precinct 9 ng Makati City Police.
Nakilala ang ikinulong na nurse na si Reynold Javier, 25, na naglilingkod sa Ospital ng Maynila at naninirahan sa Estella St., Barangay Pitogo ng nabanggit na lungsod.
Ang mga complainant naman ay sina Senior Inspector Ruvenar Ecalner, commander ng PCP 9; PO1 Thomas Bacod at PO1 Romeo Villaflor.
Ayon sa imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi kamakalawa sa loob ng nabanggit na himpilan ng pulisya.
Nabatid na dinakip ng mga kagawad ng PCP 9 ang suspect dahil nabangga nito ang isang guwardiya at isa pang bystander na hindi binanggit ang pangalan habang nagmamaneho ng motorsiklo sa may Rockwell na matatagpuan sa J.P. Rizal St. ng nabanggit na lungsod.
Nagalit ang suspect sa ginawang pag-aresto sa kanya kung kaya sa loob ng presinto ay pinagduduraan nito ang mga pulis. Tinakot pa ang mga awtoridad na hahawahan niya ng nakamamatay na SARS.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si Javier. (Ulat ni Lorderth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest