Mayor Vicencio nagmatigas sa 60 day suspension order
April 23, 2003 | 12:00am
Nagmatigas si Malabon City Mayor Amado Boy Vicencio na hindi siya bababa sa puwesto dahil umano sa walang basehan ang ibinabang 60-day preventive suspension order ng Malacañang laban sa kanya.
Ayon kay Vicencio, kung noong unang binigyan siya ng 90-days suspension order ay naging malumanay siya ngunit sa ikalawang pagkakataon ay hindi na siya basta papayag na iwanan ang kanyang puwesto.
Aniya, masyado umanong halata ang ginawang pamumulitika sa kanya dahil nalalapit na namang dumating ang eleksiyon na siyang ginagamit ng kanyang mga kalaban upang sirain siya.
Kaugnay nito, nagsagawa naman ng kilos-protesta ang mga kapanalig ni Vicencio sa harapan ng City Hall ng Malabon na matatagpuan sa Brgy. Agustin upang hadlangan ang mga tauhan ng DILG upang mai-serve ang preventive suspension laban sa alkalde.
Dahil dito, hindi naman nagawang mai-serve ng mga tauhan ng DILG ang preventive suspension order kay Vicencio dahil hindi makapasok ang mga ito sa loob ng City Hall.
Ang 60-days suspension na ito ay nag-ugat matapos ang isang negosasyon sa Jun-Jun Fishing Corp. na kung saan ay binibili ng lokal na pamahalaan ang lupang pag-aari ng una upang malipatan ng mga squatters mula sa apat na barangays na ire-relocate upang bigyang-daan ang North Rail Project ng national government.
Ayon sa reklamong isinampa laban kay Vicencio ng mga opposition councilors ng Malabon City na sina Edilberto Torres, Ma. Luisa Chiqui Villaroel, Payapa Ona at Ricky Bernardo, lumalabas umano na nagkaroon ng illegal sa naganap na transaksiyon mula sa alkalde at sa Jun-Jun Fishing Corp. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended