Jalosjos namaril sa Munti
April 21, 2003 | 12:00am
Namaril umano ng inmate/bodyguard si dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos na pinaniniwalaang naburyong dahilan sa mahabang panahon na nitong ipinagtitiis sa Maximum Security Compound ng National Bilibid Prison (NBP)sa Muntinlupa City sa kasong 12 counts ng act of lasciviousness.
Ito ang nabatid kahapon sa isang mapananaligang impormante mula sa nasabing bilangguan.
Kasalukuyan namang nasa kritikal na kondisyon ang biktimang si Marcos de Guzman, tinatayang nasa 40 taong gulang, kasamahang inmate at umaaktong bodyguard ng dating solon na isinugod sa pagamutan matapos magtamo ng tama ng bala sa pantog mula sa di pa mabatid na kalibre ng baril.
Nabatid na ang biktima ay kahapon lamang ng umaga isinugod sa isang di tinukoy na pagamutan dahilan umano sa tangkang pagtatakip sa insidente ng ilang mga opisyal ng NBP. Maging ang biktima ay itinago sa pangalang Nikko Compra ng mga opisyal ng NBP.
Ayon sa isang prison guard na tumangging magpabanggit ng pangalan ang insidente ay naganap sa kubong madalas pagpahingahan ni Jaloslos sa loob ng NBP dakong alas-9 ng gabi nitong Sabado de Gloria.
Napag-alaman na inutusan umano ni Jalosjos si de Guzman na bumili sa tindahan kung saan dahilan sa nakainom ang dating mambabatas ay nagkasagutan ang mga ito hanggang sa bumunot ng baril si Jalosjos at binaril ang biktima.
Halos sarado naman ang bibig ng mga kawani ng NBP at ni isa sa kanila ay walang magsalita sa naturang kaguluhan.
Sa panig naman ng NBP, kinumpirma ni Bureau of Correction Director Ricardo Macala na nagkaroon lamang umano ng bahagyang kaguluhan sa naturang bilangguan. Itinanggi rin nito na bodyguard ni Jalosjos ang sugatan at sinabi na walang katotohanan na nagkaroon ng putukan sa loob ng bilangguan.
Magugunita na si Jalosjos ay nahatulan ng dalawang habambuhay na pagkabilanggo sa kasong 12 counts of rape sa biktimang si Jocelyn Delantar na nooy kasalukuyang 14-anyos ng ibugaw sa Kongresista kung saan naganap ang insidente mahabang panahon na ang nakalilipas. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended