^

Metro

Holdaper ng lady reporter; killer ng Tsinoy student tiklo

-
Makaraan ang tatlong araw na pagtatago sa batas, nadakip ng mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang notoryus na holdaper na nambiktima ng isang lady reporter at itinuturong responsable rin sa pagpaslang sa isang babaeng estudyanteng Filipino-Chinese sa isinagawang follow-up operations sa Plaza Lacson, Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Ang suspect na si Ryan Aliarte, umano’y miyembro ng Batang City Jail at residente ng Pampanga St., Tondo ay iniharap kahapon sa mamamahayag ni Western Police District (WPD) Director P/Chief Supt. Pedro Bulaong.

Sinabi ni Bulaong na ang suspect ay nasakote ng mga tauhan ng Special Investigation Branch (SIB) ng naturang himpilan sa ilalim ng pamumuno ni P/Insp. Alfredo Orplasa.

Si Aliarte ay personal namang kinilala ng biktimang si Grace Vergel, 22, reporter ng Radio Mindanao Network (RMN) at naninirahan sa Velasquez St., Tondo, Manila.

Magugunita na si Vergel ay hinoldap ni Aliarte dakong alas 5:45 ng madaling araw noong nakalipas na Abril 16 sa Plaza Lacson habang nag-aabang ng masasakyan patungong WPD headquarters sa United Nations Avenue kung saan tinutukan ito ng baril at natangayan ng Nokia 3210 cellphone at P5,000 cash.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang suspect ang siya ring nasa likod ng panghoholdap at pagpaslang sa isang 19 anyos na Filipino-Chinese student na si Mary Grace Sy na naganap sa Quezon Bridge, Ermita, Maynila nito namang Abril 14 ng madaling araw. (Ulat ni Joy Cantos)

ABRIL

ALFREDO ORPLASA

BATANG CITY JAIL

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

FILIPINO-CHINESE

GRACE VERGEL

JOY CANTOS

MARY GRACE SY

MAYNILA

PLAZA LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with