3 hijackers timbog
April 17, 2003 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Central Police District-Criminal Investigation Unit ang tatlong lalaking sangkot sa pangha-hijack sa isang truck na puno ng animal feeds kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Cesar Arante, 29; Antonio de Leon, 31 at Joel Suazo, 33, pawang mga residente sa Sta. Cruz, Laguna.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa may Mo. Ignacia St., Q.C.
Galing ang 10-wheeler truck na naglalaman ng animal feeds sa San Pedro, Laguna upang dalhin sa kanilang warehouse sa Mother Ignacia nang harangin ng tatlong suspect.
Namataan naman ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Mobile Division ng CPD ang mga suspect kung kayat agad na naaresto ang mga ito.
Malaki ang paniwala ng pulisya na matagal nang minamanmanan ng mga suspect ang delivery kung kayat nang matiyak na may laman ito ay doon na tuluyang hinayjack.
Umaabot sa 327,000 kilo ng ibat-ibang feeds ang laman ng nabanggit na truck. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended