^

Metro

Pamilya, 6 nalitson sa sunog

-
Isang pamilya na binubuo ng anim katao kabilang ang isang anim na buwang sanggol ang iniulat na nasawi sa sunog na naganap kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ni Senior Fire Officer 1 Alfredo Delfin ng Pasay City Fire Department ang mga nasawing biktima na sina Adelina Pascua, 51; Dolores Pascua, 32; Mary Jen Pascua, 23; Philip Pascua, 14; John Dave,3 at Mark Gerald, 6 na buwan, pawang naninirahan sa 28 Tramo, Barrio Pilipino, Barangay Putol ng nabanggit na lungsod.

Ang mga biktima ay agad na binawian nang buhay matapos na masunog at ma-suffocate dahil sa malakas na apoy at makapal na usok.

Tanging si Daniel Pascua Jr., 28, ang nakaligtas sa naganap na trahedya.

Ayon sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa bahay ng isang Jimmy Tubusi sa #30 Tramo, Barrio Pilipino sa nabanggit na barangay.

Nabatid na dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy umabot ito sa bahay ng pamilya Pascua na noon ay mahimbing na natutulog.

Halos nakulong na ng apoy at makapal na usok ang mga biktima at hindi na nakuha pang makalabas ng kanilang bahay.

Lumalabas na faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.

Tinatayang aabot sa isang daang pamilya ang naapektuhan sa naganap na malaking sunog. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ADELINA PASCUA

ALFREDO DELFIN

BARANGAY PUTOL

BARRIO PILIPINO

DANIEL PASCUA JR.

DOLORES PASCUA

JIMMY TUBUSI

JOHN DAVE

LORDETH BONILLA

MARK GERALD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with