^

Metro

Nasawing balikbayan sa FEU Hospital hindi dahil sa SARS

-
Nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na hindi SARS ang ikinamatay ng isang 50-anyos na babae sa FEU Hospital.

Ayon kay Dra. Ma. Cosorcia Lim-Quizon, head ng Epidemiologist Center ng DOH na hindi nga SARS ang dahilan ng pagkasawi ng balikbayang ginang na dinala sa nabanggit na pagamutan dakong alas-12 ng tanghali kamakalawa dahil umano sa paninikip ng dibdib hanggang sa hindi na ito inabot ng 24 oras at tuluyan nang binawian ng buhay.

Nabatid sa pamunuan ng FEU Hospital na ang matanda ay may sakit na ‘bilateral pneumonia’ at breast cancer.

Napag-alaman pa na ang nasawing pasyente ay nagmula pa sa mga bansang USA, Alaska at Korea bago tuluyang umuwi sa Pilipinas.

Samantala, nakagawa ang mga dalubhasa sa Germany ng isang test kit na makakakilala sa sakit na SARS.

Batay sa World Health Organization (WHO) ang ARTOS, isang katawagan sa test kit na nabuo ng mga siyantipiko sa Germany ay makakatukoy o makakakilala sa virus bacteria na umaapekto sa katawan ng tao sa loob lamang ng dalawang oras.

Ayon sa ulat, ang nasabing kit ay agarang naipamahagi na sa ibang bansa partikular na sa China na kung saan ibinigay ito ng libre ng pamahalaang Germany. (Ulat ni Jhay Mejias at Doris Franche)

AYON

BATAY

COSORCIA LIM-QUIZON

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

DRA

EPIDEMIOLOGIST CENTER

JHAY MEJIAS

NABATID

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with