Pulis dinedo ng Tsinoy na trader
April 16, 2003 | 12:00am
Binaril at napatay ng isang negosyanteng Tsinoy ang isang tauhan ng pulisya sa harap mismo ng kanyang 6-anyos na anak na lalaki matapos magtalo hinggil sa pabalagbag na parada ng sasakyan ng una, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.
Namatay noon din sa mismong pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa sentido si SPO1 Ricortes Flores, 32, nakatalaga sa Valenzuela City Police at naninirahan sa 16 Industria St., Barangay Tugatog, Malabon.
Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspect na nakilalang si Benigno Tan, 30, ng 2 Comercio St. ng nabanggit ding barangay.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 George Gubatan, may hawak ng kaso dakong ala-1:55 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng M.H. del Pilar at Comercio Sts., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod habang ang biktima kasama ang anak nitong si Ric Christian ay lulan ng kanilang kotseng Toyota Corolla na may plakang PSB-460 nang mapadaan ang mga ito sa harapan ng bahay ng suspect.
Ayon sa ulat, nakaharang umano ang sasakyan ng suspect na Toyota 4x4 pick-up na may plakang UGF-189 sa kalsada kayat napilitang bumaba si SPO1 Flores upang alamin kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing sasakyan.
Matapos makaharap ang nagmamay-ari ay pinakiusapan ito ng biktima na iayos ang pagkaparada upang hindi naman maging sagabal sa daan. Hindi umano nagustuhan ng suspect ang paninita ng pulis kung kaya agad itong nakipagtalo.
Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa hamunin ng suspect ang pulis na magbarilan na lamang sila.
Mabilis umanong pumasok sa loob ng bahay ang suspect at paglabas ay armado na ng kalibre.45 na baril at saka agad na pinaputukan ang nabiglang pulis.
Bumulagta ang biktima habang nasaksihan naman ito ng kanyang anak na nagsisigaw na lamang.
Ayon sa pulisya, nagkaroon ng trauma ang bata dahil sa nasaksihang pagpaslang sa kanyang ama.(Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am