SWAT police, bugbog-sarado sa tropang bading
April 14, 2003 | 12:00am
Bugbog sarado ang isang pulis ng Makati makaraang pagtulungan ng umanoy limang bakla na kanyang inaresto sa pag-inom ng alak sa kalsada kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si SPO2 Eduardo Ugadan ng Special Weapon and Tactics (SWAT) Team mula sa mga suspect na nakilalang sina Armando de Castro, 22, ng 1069 Pasong Tamo St. Brgy. Olympia; Jon-jon Dulla, 25, supervisor, residente ng 5554 Binay St. Brgy. Pio del Pilar; Paul Romero, 22, ng 3736 F. Aguilar St. Brgy. Tejeros pawang nasasakupan ng lungsod ng Makati; Michael Ian Alfuente, 22, ng 568 Julo St. Mandaluyong City at Rex Cabrerra, 22, ng 5552 Clifford St. Cainta, Rizal.
Ang mga suspect ay kasalukuyang nakakulong sa Makati City Police Station habang inihahanda ang kasong assault to a person in authority at paglabag sa city ordinance.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO2 Lito Serrano ng General Assignment Section na naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling araw sa kahabaan ng Pasong Tamo St. sa naturang lungsod.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang biktima na nanggugulo at nambabato ng mga bote ang mga suspect na nooy lasing na sa alak.
Mabilis na rumesponde ang SWAT team sa pamumuno ng biktima at nang aarestuhin ang mga suspect, agad din itong pinagtulungang gulpihin ng mga bading.
Naawat lamang ang panggugulpi ng mga suspect nang lumapit pa ang ilang tauhan ng SWAT. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended