^

Metro

Pamangkin ng solon patay sa ambush

-
Tadtad ng tama ng bala ang katawan ng pamangkin ng isang kongresista makaraan itong tambangan ng apat na kalalakihan sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Nasawi kaagad ang biktimang si Marvin Jay Ramirez, 31 at residente ng Buenasol Romano Subdivision Mapayapa Village 3, Barangay Pasong Tamo, Quezon City dahil sa tinamo nitong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at isang saksak sa likod.

Si Ramirez ay nanilbihang chief of staff at pamangkin ni Occidental Mindoro Rep. Josephine ‘Nene’ Ramirez-Sato.

Batay sa pagsisiyasat ni Supt. Raul Medina, hepe ng CPD-CIU dakong alas-8 ng umaga ng maganap ang insidente sa tapat ng BPI Bank sa Diliman Isidro Branch.

Kasalukuyan umanong pasakay sa isang tricycle ang biktima upang pumasok sa opisina nang bigla na lamang umano itong paulanan ng bala ng baril ng apat na hindi nakikilalang salarin.

Matapos na paputukan, isa sa suspect ang lumapit at sinaksak pa sa likod ang biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at alamin kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BARANGAY PASONG TAMO

BATAY

BUENASOL ROMANO SUBDIVISION MAPAYAPA VILLAGE

DILIMAN ISIDRO BRANCH

DORIS FRANCHE

MARVIN JAY RAMIREZ

OCCIDENTAL MINDORO REP

QUEZON CITY

RAUL MEDINA

SI RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with