Ang mga kinasuhan ay kinilalang sina Veronica dela Cruz, production producer; Gilbert Edradan; Ellen Baking, mga audiomen; Richard Raysay, propsman; Jojo Silverio, Jimmy Arano, mga cameramen; Richard Mastillo, Ronelle Dalmacio, Rhoderick Dalmacio, Mayet Reyes at Jessica de Jesus, pawang mga talents.
Batay sa reklamo ni Josephine Basit, 32, guro sa Project 7 Elementary School na ang insidente ay naganap dakong alas-3:30 ng hapon noong Huwebes sa loob ng Bloom Hair Saloon sa may Roosevelt Avenue.
Ayon sa imbestigasyon, magpapagupit lamang umano si Basit sa naturang parlor subalit pinilit umano siya ng mga empleyado ng parlor na magpamasahe. Tumanggi si Basit subalit tinakot umano ito ng mga tao sa parlor kayat napilitan na lamang itong magpamasahe.
Sinabihan pa umano siya ng salon attendant na pipiringan ang kanyang mga mata.
Habang nakahiga si Basit narinig nito ang isang boses na nagsabing "simulan na ang dasal".
Bigla umanong inalis ni Basit ang piring sa mata at labis na nabigla ng makita nitong nakapaligid sa kanya ay nakasuot ng maskarang itim.
Dahil dito, mabilis siyang nagtatakbo palabas ng parlor hanggang sa mahulog sa hagdanan na naging dahilan ng kanyang pagkakasugat at pagkapilay. (Ulat ni Doris Franche)