Ayon kay Atty. Roy Almoro, Executive Director ng BID, napadalhan na nila ng mga notice sina Jeff Rodriguez, na New Zealander at American na si Greg Martin, kapwa ng Power Boys at Nadine Smith na isang German at co-host ng no.1 noontime show na Eat Bulaga kung kayat wala na silang maaari pang gawing dahilan.
Wala naman umano silang magagawa kundi magpalabas ng mission order at ipaaresto ang tatlo.
Gayunman, sakali umanong nakapagbayad na ang tatlo, kailangan pa rin nilang ipakita sa Special Committee ng performing artist ang kanilang resibo na nagpapatunay na nakapagbayad na sila.
Matatandaan na nagsagawa na ng crackdown ang BI laban sa mga foreign artist na nagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang working permit. Kabilang dito sina Vanessa del Bianco at magkapatid na KC at Troy Montero. (Ulat ni Jhay Mejias)