^

Metro

2 sa Power Boys, co-host ng Eat Bulaga pinaaaresto ng BID

-
Pinaaaresto ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang dalawang miyembro ng Power Boys at co-host ng noontime show na Eat Bulaga makaraang mabigo ang mga ito na magbayad ng administrative fine na P100,000 bunga ng pagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang working permit.

Ayon kay Atty. Roy Almoro, Executive Director ng BID, napadalhan na nila ng mga notice sina Jeff Rodriguez, na New Zealander at American na si Greg Martin, kapwa ng Power Boys at Nadine Smith na isang German at co-host ng no.1 noontime show na Eat Bulaga kung kaya’t wala na silang maaari pang gawing dahilan.

Wala naman umano silang magagawa kundi magpalabas ng mission order at ipaaresto ang tatlo.

Gayunman, sakali umanong nakapagbayad na ang tatlo, kailangan pa rin nilang ipakita sa Special Committee ng performing artist ang kanilang resibo na nagpapatunay na nakapagbayad na sila.

Matatandaan na nagsagawa na ng crackdown ang BI laban sa mga foreign artist na nagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang working permit. Kabilang dito sina Vanessa del Bianco at magkapatid na KC at Troy Montero. (Ulat ni Jhay Mejias)

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

EAT BULAGA

EXECUTIVE DIRECTOR

GREG MARTIN

JEFF RODRIGUEZ

JHAY MEJIAS

NADINE SMITH

NEW ZEALANDER

POWER BOYS

ROY ALMORO

SPECIAL COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with