^

Metro

Ahente ng BI nabiktima ng Budol-budol gang

-
Isang Immigration agent ang nalimasan ng pera at alahas makaraang maloko at umano’y mahipnotismo ng tatlong kababaihan at isang lalaki na pawang mga miyembro ng Budul-Budol Gang kahapon ng tanghali sa Makati City.

Ayon sa biktimang si Malou Aguilar, 48 ng Prince Tower Condominium, Tordesillas St. Salcedo Village, Makati, natangay ng mga suspect ang kanyang $750, P7,000 at mga alahas.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Lauro Ilagan ng General Assignment Section ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas 12:30 ng tanghali sa panulukan ng dela Costa at Leviste Sts. sa Salcedo Village.

Kasalukuyan naglalakad ang biktima kasama ang isa pang kaibigan nang biglang lumapit ang mga suspect na humihingi ng tulong sa hinahanap na address.

Dala na rin ng awa at maayos na pakikipag-usap, naenganyo at nahipnotismo umano ng mga suspect ang mga biktima hanggang sa mapapayag na magnegosyo.

Ibinigay na rin umano ng mga biktima ang kanilang alahas at pera sa mga suspect kapalit ng isang bag na umano’y naglalaman ng malaking halaga.

Subalit ilang minuto lamang ang nakaraan nang matauhan ang mga biktima at nadiskubre nilang pawang mga diyaryo ang laman ng bag. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUDUL-BUDOL GANG

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

ISANG IMMIGRATION

LAURO ILAGAN

LEVISTE STS

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MALOU AGUILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with