2 network gaming center, sinalakay
April 9, 2003 | 12:00am
Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng NBI at Asian Media Development Group (AMDG) ang dalawang network gaming center na nahuli sa aktong gumagamit ng hindi lisensiyadong laro sa Farmers, Cubao, Quezon City.
Ayon kay Gerry Castro, Vice-president ng AMDG, ang Genex Mediatech at Web Devices ay kapwa napatunayang naglagay ng larong counterstrike at warcraft III na walang permiso buhat sa kanila na siyang may gawa ng naturang mga computer games.
Bukod sa pagpapasara ng mga computer gaming center, kinumpiska rin ng mga awtoridad ang may 74 na computer mula sa dalawang establisimento.
Kakasuhan din ng paglabag sa Republic Act 8293 o intellectual property code ang may-ari ng mga computer shops na sina Sherwin Wong at Velvet Dacanay.
Lumilitaw na umaabot sa 300 gaming shops sa kalakhang Maynila ang gumagamit ng mga laro na hindi awtorisado ng AMDG. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended