Stage actor patay sa holdap
April 9, 2003 | 12:00am
Isang stage actor ang binaril at napatay makaraang manlaban sa mga holdaper na nangholdap sa kinalululanan nitong Mega taxi, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Patay na nang idating sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Roberto Sacdalan, 25, ng Dos Castillas St., Sampaloc, Maynila matapos magtamo ng isang tama ng bala ng baril sa sentido.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, sakay ng White Dragon Isuzu Mega Taxi ang biktima dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang panghoholdap.
Binabaybay umano ng naturang taxi ang Quezon Avenue kasama ang iba pang mga pasahero at ang dalawang suspect nang biglang nagpahayag ng holdap.
Tumanggi si Sacdalan na ibigay ang kanyang pera at alahas kung kayat binaril ito ng isa sa mga suspect at tinamaan sa sentido.
Matapos ang ginawang panghoholdap at pamamaril sa biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspect.
Iniimbestigahan pa ng pulisya kung kasabwat ang driver ng naturang taxi. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest