Binata kinuyog sa saksak, todas
April 7, 2003 | 12:00am
Isang 24-anyos na binata ang pinagtulungang patayin sa saksak ng tatlong kalalakihan makaraang sitahin ng una ang mga ito na huwag maingay dahil nakakaistorbo sila sa mga residente sa Makati City kahapon ng madaling-araw.
Hindi na nakarating ng buhay nang isugod sa Ospital ng Maynila ang biktima na nakilalang si Francisco Emingan, nakatira sa Block 5, Lot 16, Pinagsama Village, Barangay Western Bicutan, Taguig, dahil sa tinamong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nadakip naman ng pulisya ang tatlong suspek na nakilalang sina Russel dela Cruz, 19; Ruben Monforte, 24 at Rogelio Castillo, 18, isang tricycle driver, pawang nakatira sa Block 64, Lot 42, Spring Beauty St., Brgy. Rizal, Makati City.
Sa ulat na natanggap ni SPO4 Leonardo Timtiman, hepe ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng Ivory St., Barangay Rizal.
Nabatid na maingay na nag-iinuman ang mga suspek kasama ang biktima kaya pinagsabihan ng biktima dahil nakakaistorbo sila sa mga residente.
Nagalit ang mga suspek sa ginawang pagsita sa kanila ng biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa rambulan kung saan pinagtulungang gulpihin at saksakin ng mga suspek ang biktima. Dinala ang biktima sa nabanggit na pagamutan ng mga rumespondeng tanod ngunit idineklara itong patay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest