^

Metro

DDEG sa NPD bubuwagin

-
Posibleng mabuwag na ang Northern Police-District Drug Enforcement Group (DDEG) matapos ang naganap na barilan sa loob ng opisina nito na ikinamatay ng isang pulis at ikinasugat ng dalawang iba pa noong Martes ng gabi.

Sa nakalap na impormasyon, hindi umano mangingimi si NPD District Director Sr. Supt. Marcelino Franco, Jr. na tanggalin ang naturang grupo upang huwag ng maulit ang pangyayari na ikinasawi ni PO3 Eduardo Gaddi at ikinasugat nina Supt. Reynaldo Orante at SPO4 Jorge Tabayag.

Nabatid pa, ang mga pulis na nakatalaga sa DDEG ay ililipat sa apat na Drug Enforcement Unit (DEU) ng Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela area.

Nilinaw din ng source na hindi madadamay ang lokal na unit ng DEU sa gagawing pag-alis ng DDEG subalit madadagdagan naman ang trabaho nito sa pagsugpo sa paglaganap ng droga sa kanilang nasasakupan.

‘‘Ang dating trabaho ng DDEG ay malilipat na sa kanila (DEU) ngunit hindi nangangahulugan na maaapektuhan ang kanilang rooster sa gagawin ni District Director,’’ anang source sa NPD.

Kaugnay nito, bukod sa DEU at posibleng pagtanggal sa DDEG, magtatayo naman ng sariling ahensiya ang Valenzuela City upang labanan ang pagkalat ng salot na droga sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Mayor Emmanuel ‘‘Bobbit’’ Carlos, posibleng mag-piyesta ang mga pusher at adik sakaling mawala sa sirkulasyon ang DDEG kaya bilang tugon ay pinaplano nito na magtayo ng ahensiyang ilalaban sa droga.

Matatandaan, nagkaroon ng barilan sa loob ng opisina ng DDEG na matatagpuan sa Langaray St. Dagat-Dagatan, Caloocan City na ikinamatay ni Gaddi at ikinasugat naman nina Orante at Tabayag matapos na umano’y magwala ang nasawi sa loob ng kanilang tanggapan. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

DDEG

DISTRICT DIRECTOR

DISTRICT DIRECTOR SR. SUPT

DRUG ENFORCEMENT GROUP

DRUG ENFORCEMENT UNIT

EDUARDO GADDI

JORGE TABAYAG

LANGARAY ST. DAGAT-DAGATAN

MARCELINO FRANCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with