Ayaw masermunan: Ama tinarakan ng anak
April 6, 2003 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ang isang ama matapos itong saksakin ng kanyang anak na binata nang mainis ang huli sa ginawang panenermon ng una, kamakalawa ng tanghali sa Navotas.
Inoobserbahan sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa dibdib ang biktimang si Edilberto Samson, 40, habang nagsisisi naman sa loob ng selda ng Navotas police ang suspect na anak na si Jericon, 18, kapwa ng 29 Abiola St., Tangos ng nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon ni PO3 Noel Banarez, may hawak ng kaso na dakong alas-12 ng tanghali ng maganap ang insidente sa loob ng tindahan ng mag-ama.
Bago ang naganap na pananaksak, nabatid na sinermunan muna ng biktima ang suspect hinggil umano sa pagiging tamad nito at hindi makatulong sa kanilang tindahan.
Nagalit ang suspect at nangatuwiran na palagi na lamang siya ang nakikita ng ama. Dahil dito ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa makakuha ng kutsilyo ang suspect at sinaksak ang sariling tatay.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang matandang Samson, habang sumuko naman ang anak nito matapos ang nagawang krimen. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended