Snatcher binoga ng kasamahan matapos mag-onsehan
April 5, 2003 | 12:00am
Nasawi ang isang 21-anyos na binata matapos itong barilin sa sentido ng kapwa niya snatcher dahil sa umanoy pang-oonse nito sa pinagbentahan sa nakaw na cellphone kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Norman de Tibor ng Camarin, Caloocan City.
Pinaghahanap naman ang suspect na si Juan Lunar, kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas dala ang ginamit na pen gun.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harap ng isang drugstore sa kahabaan ng Sampaloc St. Area D, Barangay Camarin.
Nabatid na bago ang naganap na krimen, nanghablot umano ang dalawa ng cellphone sa isang di-kilalang biktima at napagkasunduan na si Tibor ang magbebenta ng kanilang ninakaw.
Matapos ang ilang araw ay muling nagkita ang dalawa at hinanap ng suspect ang perang pinagbentahan sa cellphone ngunit walang nailabas na pera ang biktima.
Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa biglang ilabas ng suspect ang dalang pen gun at ipinutok sa sentido ng biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest