Pulis nagbarilan sa presinto: 1 patay
April 3, 2003 | 12:00am
Isang tauhan ng NPDO-Drug Enforcement Unit (NPDO-DEU) ang nasawi, habang dalawa pang pulis ang nasugatan matapos umanong magwala at i-hostage ng una ang kanyang hepe sa loob mismo ng kanilang himpilan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Tondo Medical Center si PO3 Eduardo Gaddi bunga ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Samantalang ang mga sugatan naman ay nakilalang sina Supt. Reynaldo Orante at SPO4 Jorge Tabayag na isinugod sa Manila Central University Hospital.
Si Orante ay nagtamo ng daplis na tama ng bala sa leeg, habang si Tabayag naman ay tinamaan sa katawan.
Ayon pa sa ulat, si Orante ay kasalukuyang nasa kustodya na ng NPDO upang sumailalim sa masusing imbestigasyon matapos mabaril at mapatay si Gaddi.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa loob mismo ng tanggapan ng NPDO-DEU na nasa Tanigue St., Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Ayon pa kay Orante, kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang tanggapan kasama ang ilan niyang tauhan nang dumating si Gaddi na agad na kinompronta si SPO3 Manolito Manalo.
Agad umano niyang nilapitan si Gaddi upang kausapin ngunit mabilis siya nitong sinakal at tinutukan ng dalang baril at tinangkang i-hostage.
Ayon pa kay Orante, nagpumilit siyang makawala sa pagkakasakal ni Gaddi at nang makawala ay pinaputukan siya nito at ang iba pa niyang tauhan.
Dahil dito, napilitan na siyang gumanti ng putok.
Napag-alaman na si Gaddi ay pansamantalang na-relieve sa tungkulin matapos itong masangkot sa ilang kilalang drug lords at pushers.
Nabatid na nakiusap pa si Gaddi kay NPDO director Senior Supt. Marcelino Franco Jr. na ilipat na lamang siya sa Valenzuela police upang maiwasan na ang anumang kaguluhan subalit ito ay hindi agad naaksiyunan hanggang sa magwala na nga ito kamakalawa ng gabi.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.(Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended