^

Metro

Tensyon uli sa demolisyon sa riles

-
Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga residente, mga militanteng grupo at mga tauhan ng demolition team ng pamahalaan matapos na simulan ang paggiba sa mga tahanan at milyong halaga ng mga konkretong establisimiyento na nakatirik malapit sa riles ng Philippine National Railways (PNR) kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Magkakahawak ng kamay at bitbit ang iba’t ibang plakard ang mga residente ng Brgy. 1, 2 at 80 at ilang mga samahan ng militanteng grupo upang pigilan ang mga demolition team ng PNR; National Housing Authority (NHA); Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng North Rail Relocation Resettlement Inter-Agency Committee upang pigilan ang paggiba ng mga tahanan sa naturang lugar.

Nabigo naman ang tatlong truck ng gobyerno na makapasok sa lugar ng isasagawang demolisyon dahil sa tibay ng depensang isinagawa ng mga residente dahilan upang magkaroon ng ilang oras na pagkakaantala at pakikipagnegosasyon sa pagitan ng NHA at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na pinamumunuan ni Sec. Mike Defensor at Caloocan City Councilor Nathaniel Santiago na siyang kinatawan ng mga mamamayan.

Mariin namang inihayag ni Santiago hinggil sa simpleng kahilingan ng mga residente ng naturang lugar kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magbigay ng 10-araw na palugit upang makatiyak na mayroon silang maayos na paglilipatan.

Aniya, wala namang tutol ang mga residente sa programa ng gobyerno, sa katunayan ay napalambot na nga raw ang paninindigan ng mga ito at payag nang lisanin ang kanilang lugar at ang tanging kahilingan lamang ng mga ito ay ang mabigyan pa ng sapat na pagkakataon para masiguro ang kanilang kalagayan. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY COUNCILOR NATHANIEL SANTIAGO

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MIKE DEFENSOR

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

NORTH RAIL RELOCATION RESETTLEMENT INTER-AGENCY COMMITTEE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with