^

Metro

11 'MILF rebels' sa Quiapo nalambat

-
Bunga na rin ng pangamba na magsagawa ng "sympathy attack" sinalakay ng mga tauhan ng Western Police District ang umano’y kuta ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Quiapo, Maynila.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Menor Delinoguin, manager ng Marou lodging house; Abbas at Esmail Abdulkadir; Alexander Mangula; Daniel Enping; Aga Ayub; Jun Rivas; Juhami Yusop; Ashrap Ulama; Marcial Abbas at Sanshulina Datuabidin.

Nabatid na sinalakay ng WPD ang Marou Lodging House sa Muelle de Quintast, sa Quiapo dakong alas 4 ng madaling araw sa bisa na rin ng search warrant na ipinalabas ni Manila RTC Judge Alexander Lansanan.

Ayon kay SPO3 Enrico Palumar, may hawak ng kaso, nakumpiska mula sa mga suspect ang ilangdinamita, kalibre 45, 9mm pistol, 2 fragmentation grenade, rocket grenade rifle at mga kemikal na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng mga pampasabog.

Nabatid na may natanggap na intelligence report ang pulisya na ang mga nagtatagong MILF members sa naturang lodging house ay maglulunsad ng "sympathy attack" sa Kamaynilaan bunsod na rin ng pagkampi ng Pangulong Arroyo sa US led war laban sa Iraq. (Ulat ni Rudy Andal)

AGA AYUB

ALEXANDER MANGULA

ASHRAP ULAMA

DANIEL ENPING

ENRICO PALUMAR

ESMAIL ABDULKADIR

JUDGE ALEXANDER LANSANAN

JUHAMI YUSOP

JUN RIVAS

MARCIAL ABBAS

MAROU LODGING HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with