2 pulis na pumatay sa vendor arestado
March 31, 2003 | 12:00am
Arestado ang dalawang pulis na nakatalaga sa Presidential Anti-Crime Emergency Response sa Camp Crame, makaraang mabaril at mapatay ang isang vendor kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Nakilala ang mga ito na sina SPO2 Delfin Mata, Jr. ng 1045 Tramo Road-E Aldana St. Las Piñas at PO2 Randy Pote, 26.
Samantalang namatay naman habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital ang biktima na si Jamael Ditingki, 30, may-asawa ng 179 Roxas Boulevard, Brgy. Baclaran, Parañaque City makaraang magtamo ng ilang tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng mga baril.
Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Odeo Carino ng CID Parañaque Police, naganap ang insidente dakong alas 9 kahapon ng umaga sa lugar ng mga vendor sa kabahaan ng Roxas Blvd.
Nabatid na pababa na sa kanyang motorsiklo ang biktima nang dumating ang mga suspect na sakay din ng motorsiklo at bigla na lamang umanong pinagbabaril ang una sa hindi pa malamang dahilan.
Dahil dito, mabilis na dumating ang grupo ng mga Muslim at kinuyog ang dalawang pulis.
Matigas naman ang patanggi ng mga suspect na sila ang bumaril sa biktima sa pagsasabing nagresponde lamang sila nang makarinig sila ng putok ng baril. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended